“Hakab na!”: Programa para sa mga ina na gumagamit ng breastfeeding sa kanilang mga anak

Ang buong buwan ng agosto ay ang tinaguriang breastfeeding promotion month na itinalaga ng Republic Act No.10023 o ang Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009. Para ipagdiwang ang buwang ito, nagsasama-sama ang mga ina mula sa iba’t-ibang lugar dito sa pilipinas para bumuo ng isang breastfeeding nation sa pamamagitan ng “hakab na!.”3

2 (2)

Dobol P sa masusing talakayan sa kahalagahan ng gatas ng ina

Ang “Hakab Na!” ay isang breastfeeding event na ginaganap sa iba’t-ibang lugar dito sa pilipinas para palawigin pa ang kamalayan tungkol sa mga benepisyong naidudulot ng breastfeeding.

Layunin din nito na ipagdiwang ang national breastfeeding month at ang world breastfeeding week.

Ang breast feeding o pagpapasuso ang isa sa mga pinakamahalagang bagay na maaaring ibigay ng isang ina sa kanyang anak.

Binibigyan nito ang bata ng malakas at malusog na pangangatawan pati na rin ang natatanging pagbubuklod ng ina at anak.

1 (2)

Gng. Karen Joy Palma at Gng. Lea Marie Bautista ng Nueva Ecija Breastfriends tagapagtaguyod ng Hakab Na! 2015

Samantala, ginanap noong august 3, 2013 ang kauna-unahang breastfeeding mob na dinaluhan ng mga nanay galing sa iba’t-ibang lugar dito sa pilipinas na sabay-sabay nagpasuso ng kanilang mga anak. ginanap ang pagtitipon sa maynila, davao, cagayan de oro, bacolod at singapore.

At ngayong taon ay gaganapin ang ikatlong pagdiriwang ng “Hakab Na!”na pangungunahan ng online support group breastfeeding pinays, na gaganapin sa Alabang, Aklan, Baguio, Benguet, Bulacan, Dumaguete, Isabela, Laguna, Pampanga, Zambales at Nueva Ecija.

Ang programang ito ay suportado ng ating butihing gobernador, Aurelio Matias Umali at ang kanyang kabiyak na si CongW. Cherry Domingo Umali.

Tayo nang makiisa sa adbokasiya para sa mga ina. Novo Ecijanos, Tara na! Hakab na!. Ulat ni Bituin Rodriguez