Bangkay, Natagpuan sa Harap ng Kanyang Bahay; 46- Anyos na Lalaki, Pinagbabaril sa Bertdeyan, Dedo

1

Joniell Lumagtas was found dead in front of his own house.

Natagpuang wala ng buhay sa harap mismo ng kanyang sariling bahay ang isang singkwenta’y kwatro anyos na lalaki sa barangay San Juan Accfa, Cabanatuan City.

Kinilala ang biktimang si Joniell Lumagtas y Epis, binata, ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat, dakong alas nueve ng umaga nadiskubre na lamang ang labi ng biktima malapit sa pintuan ng kanyang tahanan.

Wala namang nakitang sugat ang mga otoridad sa katawan ng biktima na dinala sa isang punerarya para dumaan sa autopsy examination.

Wala namang nakitang sugat ang mga otoridad sa katawan ng biktima na dinala sa isang punerarya para dumaan sa autopsy examination.

2

Larry Villamin was shot to death in a birthday party.

Aliaga- Dead on the spot ang isang kwarenta’y sais anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa bertdeyan sa barangay Bibiclat, Aliaga.

Kinilala ang biktimang si Larry Villamin y Lumibao, residente ng Purok 5 ng naturang barangay.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas onse kinse ng umaga habang kumukuha ng pagkain ang biktima sa loob ng bahay ng kaibigang nagdiriwang ng kaarawan na si Jorge Alamon nang lapitan ng dalawang armadong kalalakihan.

Pinapunta umano sa likurang bahagi ng bakuran ng bahay ang biktima at doon sabay na niratrat ng mga suspek.

Kaswal na umalis ang mga suspek makaraang maisagawa ang krimen at naglakad palayo sa lugar kasama ang dalawa pang kalalakihan na naghintay sa kalsada sa labas ng compound.- ulat ni Clariza de Guzman.

 

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s