COMELEC, binuksan na ang satellite voter’s registration at validation booth sa SM Cabanatuan

1

2

Magkaibigang Fitz Gerard at R-vy, maagang pumunta sa mall para magparehistro.

Maaga pa lamang, ay sumugod na sa satellite voter’s registration at validation ng Commision on Elections o COMELEC ang magkaibigang Fitz Gerard at R-vy sa isang mall para magparehistro. Bahagi ito ng mahigpit na kampanya ng COMELEc na “No bio, No boto.”

Ayon kay Fitz Gerard at R-vy, malaking ginhawa ito para sa katulad nilang ngayon pa lamang magpaparehistro.

Minabuti ng COMELEc na sa ilang shopping malls ganapin ang registration at validation, upang mailapit at mas mapadali sa mga botante ang kanilang kampanya.

3

Leonrado Navarro, Acting Election Officer ng lungsod ng Cabanatuan

Aniya, base sa kanilang datos mahigit tatlumput apat na libo pang mga botante ang wala pang biometrics.

Panawagan ni Navarro, agaran ng tumungo sa pinakamalapit na satelite voter’s registration at validation shopping malls ang mga botante o magpunta sa kanilang opisina.

Para maicheck ang status ng iyong pagkakarehistro, bumisita sa kanilang website na www.comelec.gov.ph.- Ulat ni Danira Gabriel

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s