Mga kalahok sa Ginoong Filipinas Nueva Ecija 2015, sumailalim sa masusing pagsusuri

Uminit ang entablado ng Main Atrium ng N.E. Pacific Mall nang isa-isa ng nagpakilala ang dalawampung matitikas at nag gwa-gwapuhang mga kalalakihang Novo Ecijano na sumubok na makapasok at mapabilang sa pretihiyosong kompetisyon ng lalawigan, ang Ginoong Filipinas Nueva Ecija 2015.

Hindi magkamayaw sa paghiyaw ang mga manunuod sa pagsuporta sa kanilang mga natitipuhang kandidato nang magsuot na ang mga ito ng short shorts.

Lalo pang umingay ang mga kababaihan ng rumampa na ang mga kalalakihan sa kanilang topless.

Kitang-kita ang matinding paghahanda na ginawa ng bawat isa para sa kompetisyon.
1

asd

2

THE CANDIDATES FOR SCREENING OF NUEVA ECIJA’s MOST PRESTIGIOUS MALE PAGEANT, THE GINOONG FILIPINAS 2015.

Para naman kay Jappy Cruz, isa sa mga naging hurado at pinarangalan bilang Ginoong Filipinas Nueva Ecija Turismo 2014, magiging kasabik-sabik ang paligsahan dahil sa potensiyal na ipinakita ng bawat kalahok.

Ayon kay Marvin Alvaran, organizer ng Ginoong Filipinas Nueva Ecija, patikim pa lamang nila ito.

Aniya, mas pakaabangan ng mga manunuod ang mga susunod pang labanan lalo na sa larangan ng paligsahan ng talento at creative competition. Kung saan, ang tema ng paligsahan ay nakatuon sa iba’t-ibang kapistahan ng bawat bayan at siyudad ng lalawigan. -Ulat ni Danira Gabriel

 

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s