Mga PWD, nagpaligsahan sa pampalakasan at patalasan ng isip

Nagpamalas ng kanya-kanyang mga talento sa larangan ng sports ang mga PWD, na naging tampok sa kanilang selebrasyon ng ika 37th National Disability Prevention and Rehabilitation Week, sa Palayan City.

Ang pagdiriwang ay may temang “Health and Wellness of PWD, Opportunities Towards an Inclusive Development for All”, na nangangahulugan ng pagpapahalaga sa kalusugan ng mga taong may kapansanan.

Layunin ng naturang pagdaraos na mabigyang pansin, maipakita ang kanilang kahalagahan at maisama ang mga Persons with disability sa main stream ng lipunan.

2

Libreng Check-up at konsultasyon para sa mga PWD handog ng Department of Health at Doctor PJG Hospital, sa pangangasiwa ng Pamahalaang Panlalawigan

Maliban sa mga palarong karera ng Wheelchair, karera ng takbo, Shot Put, Chess, Dama at iba pang mga laro, inihandog din sa araw na iyon ang libreng Check-up, konsultasyon kasama na ang libreng mga gamot sa pangunguna ng Doctor PJG Hospital at DOH o Department of Health.

Naghandog din ng libreng manicure, pedicure, massage at gupit ng buhok ang PMTC o Provincial Manpower Training Center at TESDA o Technical Education and Skills Development Authority.

Malaki naman ang naitulong ng pagdiriwang na ito sa mga PWD dahil kung dati ay nakadarama sila ng pambabalewala at kakulangan ng pansin, ngayon ay nabigyan umano sila ng pagkakataong mapatunayan ang kanilang mga sariling kakayanan tulad ng mga normal na tao.- Ulat ni Shane Tolentino