25 billion pesos, isinusulong na budget para sa modernisasyon ng Sandatahang Lakas

1

Philippine Marines By Associated Press Published: May 24, 2013

Mas malaking budget ngayon ang isinusulong para sa modernisasyon ng mga kagamitan ng Militar, yan ang naka proposed ngayon para sa pondo ng Military sa budget bill ng Pangulong Aquino para sa taong 2016.

Sa 3 Trilliong pisong budget ng pangulo para sa taong 2016 hinihiling na ilaan ang 20 Billion dito sa modernisasyon ng Sandatahang Lakas.

Hindi na lingid sa atin na napag iiwanan na tayo pagdating sa usapang kagamitan ng Sandatahang Lakas kung hindi luma ang ilan sa mga ito ay second hand lamang ang karamihan sa  mga kagamitan ng Militar.

2

Hukbong Pandagat. Photos By: The Philippine Navy

Ang budget na inilalaan para sa modernisasyon ng Sandatahang Lakas. Kaya naman makikita na pag dating sa modernisasyon ay napag iiwanan na tayo ng ating mga karatig bansa.

Sa ngayon ang pagpapa laki ng budget sa modernisasyon ng Militar ay malaki ang maitutulong upang mas maayos na makapag patrolya ang ating Philippine Navy sa mga islang pag aari ng ating bansa.

Bukod dito ay nais din magbigay ng tulong ng Autralia sa ating bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng dalawang transport ship sa Pilipinas.

Hindi man agarang mapapalakas ng bansa ang lakas nito sa pag depensa sa bansa ang mga donasyon na ito ng ibang bansa ay malaki ang maitutulong upang makahabol ang Pilipinas pagdating sa maayos ng kagamitan upang maipag tanggol ang ating bansa sa kung sino man ang nag nanais na nakawin ito sa ating inang bayan.-Ulat ni Philip “Dobol P” Piccio