TEAM RIZAL, BIGONG TALUNIN ANG TEAM GUIMBA

Team Rizal

Team Rizal

Pursigidong matalo ng Team Rizal ang Team Guimba. Simula 1st to 3rd quarter, lamang ang kanilang koponan.

Subalit pagdating ng 4th quarter sa huling limang minuto, nahabol ng Team Guimba ang kalamangan ng Team Rizal.

Hanggang sa pagtatapos ng oras, kinapos na ang Team Rizal na maungusan muli ang Guimba at nagtapos sa score na 115-107.

Ayon sa kanilang coach na si Joey E. Grospe, kulang sa resistensya ang kanyang mga manlalaro.

Dagdag pa ni Coach Grospe, bihira sa praktis ang kanilang koponan at hirap pagsama-samahin ang mga manlalaro ng Rizal.

Team Guimba

Team Guimba

Masaya naman ang Assistant Coach ng Team Guimba na si Coach Rodolfo dahil ipinakita ng kanilang  manlalaro na sila ay may puso at paninindigan sa paglalaro ng basketball. Ayon naman kay Allan Eugenio, Tournament Director ng Inter-Town North District, may potensyal ang bawat Novo Ecijanong manlalaro ng basketball na madiskubre nasyunal. Sa ngayon nasa ikalawang pwesto ang Team Guimba na may anim na panalo at wala pang talo samantalang nasa ikatlong pwesto ang Team Rizal na mayroon nang limang panalo at dalawang talo mula sa Science City of Muñoz at Guimba.- Ulat ni Shane Tolentino