PCSO, nagkaloob ng 11 ambulansya sa lalawigan ng Nueva Ecija

1Pormal nang ipinamahagi ng (PCSO) Philippine Charity Sweeptakes Office ang labing-isang unit ng bagong ambulansya  para sa mga benepisyarong ospital nito sa Lalawigan ng Nueva Ecija.

Pinangunahan ni PCSO Chairman Erineo “Ayong” S. Maliksi ang pagbibigay ng susi na malugod namang tinanggap ng ama ng lalawigan na si Nueva Ecija Governor Aurellio “Oyie” Umali.

Ayon kay Maliksi, dapat lamang na patuloy na tangkilikin ang mga programa ng kanilang tanggapan gaya na lamang ng pamamahagi ng mga ambulansya sa iba’t ibang lalawigan sa bansa dahil napakalaki ng naibibigay nitong tulong sa mga mamamayan lalo na pagdating sa usaping pangkalusugan.

Ibinida rin nito na mula sa dating P4-M kada araw na ipinamamahagi nila sa mga nangangailangan, ngayon ay pumalo na ito sa P18-M kada araw, kung saan mas marami ang kanilang natutulungan.

2Dagdag pa ni Maliksi na patuloy nilang susuportahan ang Nueva Ecija partikular si Gov. Oyie dahil sa magandang hangarin nito na makatulong sa kaniyang mga kababayan gaya ng layunin ng 42 nilang tanggapan sa buong bansa.

Lubos naman ang pasasamalamat ni Gov. Oyie sa kaloob na mga ambulansya ng ahensya aniya, mas lalong mapapaigting nito ang programa ng Pamahalaang Panlalawigan na “Executive Check-up”” at nang ilang ospital sa probinsya.

Samantala kabaling din sa mga dumalo sa turn-over ceremony sina Provincial Administrator Alejandro Abesamis, Chief of Provincial Health Office Dr. Benjie Lopez, Chief of ELJ Hospital Dr. Jong Abeleda Jr., Chief of San Jose District Hospital Dr. Joseph Navallio at Chief of Provincial General services Office Boy Martinez. Ulat ni Mary Joy Perez

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s