Organikong Pagsasaka, isinusulong ng MASIPAG

Hinihikayat ng samahang Magsasaka at Siyentipiko para sa Pag-unlad ng Agrikultura o mas kilala sa pangalang MASIPAG ang mga kapwa magsasaka na gumamit ng tradisyunal na pamamaraan sa pagtatanim sa pamamagitan ng Organikong Pagsasaka.

Ayon kay Bonifacio Nazareno ng MASIPAG, ang paggamit ng natural na pamamaraan ay malaking tulong upang maiwasan ang pagkasira ng kapaligiran at maprotektahan ang kalusugan ng publiko.

Layunin din ng samahan na ma i-preserba ang Isang Libo Siyam na Raan at Limampung uri ng mga tradisyunal na binhi na nagmula pa sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Bukod dito, nagsasagawa rin ang grupo ng rice breeding upang patuloy na makatuklas ng mga na a-angkop na binhi para sa pabago-bagong klima.

Sa loob ng Isang taon dalawang beses nilang itinatanim ang mga naturang binhi, gamit ang mga organikong pataba at pesticide.

Kapag na ani na ang mga palay, i-iimbak nila ito sa tinatawag na Back-up Farm at libreng ipinamamahagi sa mga kapwa magsasaka.

Ang MASIPAG ay isang network ng iba’t-ibang organisasyon, Non Government Organizations (NGO’s) at mga Siyentipiko na nagtutulong-tulong upang maiangat ang kabuhayan ng mga maliliit na magsasaka sa pamamagitan ng Organic Farming.

Ang mga artipisyal na kemikal na ginagamit bilang pataba at pesticide ay pinagmumulan ng mga samu’t saring mga sakit katulad ng kanser, sakit sa puso at pagi­ging premature ng batang nasa sinapupunan pa lang.-Ulat ni Danira Gabriel

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s