MASIPAG, ISINUSULONG ANG ORGANIC FARMING; GMO, TINUTUTULAN

Isinusulong ng Masipag o Magsasaka at Siyentipiko sa Pag-unlad ng Agrikultura ang sustainable agriculture o organic farming habang matindi namang tinututulan ng samahan ang mga GMO o genetically modified organisms tulad ng BT Corn, BT talong at Golden Rice.

Bukod sa mga magsasaka at siyentipiko, ang Masipag ay binubuo rin ng network o ugnayan ng mga indibidwal mula sa iba’t ibang organisasyon sa loob ng bansa.

Pangarap ng samahan na makontrol ang mga binhi ng palay at teknolohiya na kaakibat nito upang makapili ang mga magsasaka ng binhi na angkop sa lupa, kultura, at panlasa ng mga tao sa isang lugar.

Ayon kay Masipag Luzon Coordinator, masidhi ang kanilang paglaban kontra GMO dahil napatunayan nang mapanganib ang mga ito hindi lamang sa kalusugan ng tao kundi maging sa kalikasan.

Base sa midyear evaluation ng Masipag, naabot nila ang target para sa kalahatian ng taon na fifteen additional target trial farm para sa Luzon na kukumpleto sa tatlumpong trial farm na naglalaman ng iba’t ibang klase ng binhi ng palay.- Ulat ni Clariza De Guzman

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s