TRABAHONG UMALI, NAGBUKAS NG TATLONG LIBONG MGA TRABAHO MAPALOKAL AT ABROAD PARA SA MGA NOVO ECIJANO

Programa ng pamahalaang panlalawigan na tinawag na Trabahong Umali naghandog ng Local and Overseas  Jobs Fair  para sa mga Novo Ecijanong naghahangad makahanap ng mapapasukang trabaho.

 

Ang isinagawang Jobs Fair ay hindi lamang para sa mga graduate students kundi  nagbigay din ng  pagkakataon para sa mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral at  mga skilled vocational persons.

 

Ilan naman sa mga pasok na mga kurso para sa mga nilaan na trabaho ay tulad ng accounting, business courses , engineering, nursing , HRM, at iba pa.

 

Ayon kay Michael Calma ang Provincial PESO Manager ng Nueva Ecija, ay binubuo ng tatlong libong ibat-ibang klase ng trabaho ang naipagkaloob para sa ating mga kababayan.

Dagdag pa ni Calma na kaagapay din ang PESO Clark Pampanga sa naturang Job Fair at dala nila ang vacancies work para sa mga Production Operators, Security Guard Abroad, Sewer, Nurses at iba pa.

Binubuo ng labing-anim na Recruitment Agencies  for Ovearses Jobs at dalawamput limang Local Companies tulad ng China Bank, Toyota, ACES, at Maxima Humana na ibinaba ng Clark.

Nabigay din ng mensahe si PESO Manager of Nueva Ecija Michael CAlma para sa mga kababayan natin na nagnanais makapasok ng trabaho.

Ayon   naman kay Jose Pepe Emana na mahalaga ang pagkakaroon ng Job Fair hindi lamang upang magbigay ng trabaho sa mga aplikante kundi ang magkaroon ng kaalaman ang mga ito ukol sa mga illegal recruters .

Isang single mommy naman mula sa Singalot Palayan City ang nagpahayag kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng Job Fair para sa katulad niyang walang trabaho lalo at may anak na siya.

Mula naman sa bayan ng Laur isang aplikante ang aming nainterview  na nakapagtapos lamang ng High School Level at mas preparado ang trabaho pang lokal muna upang kung makakuha pa ng experience dito sa pilipinas ay mas handa na siyang magtrabaho sa abroad.

Kasunod pa nito ay nagpasalamat din ang maraming aplikante sa mga bumuo ng naturang Jobs Fair.

Huwag naman mawalan ng pagasa ang mga hindi nakarating sa naganap na Jobs Fair dahil maaring kayong kumunsulta sa Provincial  PESO Office para sa ilan pang mga impormasyon ukol sa available na trabaho at mga contact persons na maaring kausapin. Ulat ni Bituin Rodriguez