Nakasakong Bangkay ng Lalaki, Itinapon sa Kalsada; 52-anyos na Lalaki, Binoga ng Tandem Habang Kumakain, Dedo

Laur- Naaagnas na at hindi na halos makilala ng matagpuan ang bangkay ng isang lalaki na isinako at itinapon sa gilid ng kalsada sa barangay San Isidro, bayan ng Laur.

Tinatayang nasa edad trenta’y singko hanggang kwarenta ang lalaki, may taas na 5’5 katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay gray na t-shirt, putting shorts, itim na brief na may nakasabit na kwintas at silver na pendant.

Pansamantalang inilagak ang labi ng biktima sa Sevilla-Villar Funeral Homes sa barangay Palomaria sa bayan ng Bongabon.

Munoz- Dead on the spot ang isang singkwenta’y dos anyos na lalaki matapos barilin sa batok ng tandem habang kumakain sa carinderia sa barangay Bantug, Science City of Munoz.

Kinilala ang biktimang si Maximo Francisco y Sayco, residente ng naturang lugar samantala ang dalawang hindi nakilalang suspek ay parehong nakasuot ng itim na jacket, at bull cap sakay ng isang Enduro type motorcycle na kulay itim at puti.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas dies kwarenta’y singko ng umaga, kasama ng kanyang pinsan ang biktima na kumakain sa carinderia ng lumapit ang isa sa mga suspek at bigla na lamang binaril sa batok ang biktima.- Ulat ni Clariza de Guzman