MGA PAGBABAGO SA PROVINCIAL JAIL, IPINAGMALAKI NI WARDEN JOJO DE LEON

Malaki umano ang ini-unlad ng Provincial Jail mula nang maupo bilang bagong jail warden ng probinsya si Jojo De Leon dahil sa magagandang proyekto at maayos na pamamalakad nito sa nasabing piitan.

Ayon sa ilang preso, dahil sa bagong warden naging mas maayos ang kanilang kalagayan naialis rin umano nito ang ilang illegal na gawain sa loob ng kulungan.

Samantala, bagaman nananatiling humble hindi naiwasang banggitin ni Provincial Jail Warden De Leon ang ilan sa mga proyektong naipagkaloob sa mga preso katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan.

Lubos ang pasasalamat ng mga preso kay De Leon sa napakalaking tulong ng mga proyekto nito partikular ang pagkakaroon ng maayos na supply ng tubig at blower sa loob ng kanilang selda.

Bukod dito, tuluy-tuloy rin ang pagkakaloob ng health assistance para sa mga preso sa pamamagitan ng Medical at Dental Mission.

Kasunod nito, sinabi ni De Leon na ginagawa lamang niya ang kaniyang tungkulin bagaman inamin niya na tumataba ang kaniyang puso sa mga papuring kaniyang natatanggap galing sa mga preso.- Ulat  ni Mary Joy Perez