Mag-enjoy @ summer na

Verse1
Eto na summer na
Tawagin na ang barkada
Ano na kayang nagbago ngayon?
Tara sama na!
Verse2
Pumunta tayo sa bahay ni Hannah
Tayo’y mangharana
Isang sulyap mo lang
Ngiti ko’y abot langit na
Chorus1
Mag-enjoy at summer na
Log-out muna hang out tayo
Tingnan natin ang tanawin
Pagkakataon na natin to
Chorus2
Tara’t lumabas at summer na
Stop muna ang ginagawa
Sulitin natin ang maghapon
Hanggang matapos ang bakasyon

Verse3
Dito sa ating lalawigan
Buhay pa rin ang bayanihan
Marami kang matutuklasan
Mga tradisyon na nakagisnan

Verse4
Sumama ka’t yong mararanasan
Pagkakaisa, pagtutulungan
Magandang kultura sa ating bayan
Siguradong yong babalikan