13 NAGGAGANDAHANG DILAG, NAGPASIKLABAN SA BB. ALIAGA 2015

13 naggagandahang dilag ng bayan ng aliaga ang pasiklaban para sa titulong Binibining Aliaga 2015.

Todo suporta ang mga kamag anak at mga mahal sa buhay ng mga kandidata lalo pa at ang audience impact ay 10% ng total scores.

Nagpakita ng galing sa pag rampa ang mga kalahok sa kanilang Casual Wear, Swimwear at  sophistikadang mga gown.

Isa na si Mrs. Elisa Mariano na suportado ang anak sa kompetisyon na ito.

Bukod sa mga kalahok, naghanda rin ang kanilang pamilya.

Sa pagtatapos ng kompetisyon, naiuwi ni Candidate No 5 Sheena Ortaleza ang Miss Professional at Miss TM, Miss Photogenic si Contestant No 3 Hazel Sanchez, Miss Photogenic Photographers Choice si Contestant No 1 Armie Martinez, habang nakuha naman ni Contestant No 11 Elaine Mariano  ang Best In Shorts at titulo bilang Binibining Aliaga Turismo.

Pumangalawa sa pwesto sa Best In Talent si Contestant  No. 9 Charlene Ducusin, 1st runner up si Contestant No 6 Judy Topacio at naiuwi ni Contestant No 12shyrelle  Bautista ang Best in Talent.

Naiuwi ni Contestant No. 13 Sunneta Singh para sa Miss Avon at ang titulo ng Binibining Aliaga Kabataan 2015.

Humakot ng parangal si Contestant No 9 Charlene Ducusin, kung saan naiuwi nito ang Miss Friendship, Miss Talent, Best in Production, Best in Casual Attire, Best in Long Gown at ang korona bilang Binibining Aliaga 2015.

Todo naman ang naging suporta ni Mayora Beth Vargas na nagbigay rin ng mga parangal sa mga natatanging mga nakaraang mayor ng Aliaga.- Ulat ni Amber Salazar