HUMIGT KUMULANG 20 PRESO MULA SA IBA’T IBANG KULUNGAN SA LALAWIGAN, PINALAYA

Abot hanggang tainga ang ngiti sa mga labi nina Marvin at Francis dahil matapos ang ilang taong pagkakaulong sa  magkaibang kaso sa loob ng Provincial Jail ay sa wakas makakalaya na sila.

Dalawa lamang sina Marvin at Francis sa humigit kumulang dalawampung preso mula sa Iba’t ibang kulungan sa lalawigan sa mga pinalaya ng Korte Suprema alinsunod sa programa nito na “Enhanced Justice on Wheels”.

Ito na umano ang ikalawang pagkakataon na bumisita ang ilang matataas na opisyal ng Supreme Court sa lalawigan na pinangungunahan ni Supreme Deputy Court Administrator Jenny Lind R. Aldecoa-Delorino.

Pagmamalaki ni Delorino, libu-libong preso na sa bansa ang natulungan ng nasabing programa na muling nabuksan at napag-aralan ang mga kaso at marami sa mga ito ang nabigyan ng laya.

Kasunod nito, nangako ng suporta ang pamahalaang panlalawigan sa mga presong walang  kakayanang kumuha ng sariling abugado.

Ito kasi  ang kadalasang nagiging suliranin umano ng mga presong salat sa pera at nakukulong dahil sa kawalan ng tagapagtanggol.

Tulad na lamang ni Jacob, na dalawan taon nang nakakulong dahil sa salang pagpatay. Aniya, hindi siya nabigyan ng pagkakataong maipagtanggol ang kaniyang sarili dala na rin ng kawalan ng pera.

Samantala kasabay ng nasabing programa, magandang balita naman para sa mga empleyado ng RTC o Regional Trial Court ang inanunsyo ni Provincial Administrator Atty. Alejandro “Al” Abesamis.

Aniya, unti-unit nang isinasaayos ang bagong gusali RTC na itatabi sa Provincial Jail na inaasahang matatapos ngayong taon. –Ulat ni Mary Joy Perez