Etched in History: Pagsusuot ng alahas, kailan nga ba unang nauso?

Ang mga alahas ang isa sa pinakapaboritong uri ng kagamitan ng tao mula noon hanggang ngayon.

Ngunit, Kailan nga ba unang gumamit ng alahas at gaano ito ka importante sa buhay ng tao?

Sa loob ng isang daang taon ang iba’t ibang uri ng alahas ay ginagamit nang adorno sa katawan ng mga kababaihan at kalalakihan. Hindi lamang ito upang magpakita ng estado sa buhay kundi may iba’t ibang kahulugan ang mga alahas sa ibat ibang panig ng mundo.

Ang kwintas, singsing, hikaw, anklet, bracelet ay ilan lamang sa mga popular na uri ng alahas sa mundo.

Ang isa sa mga pinaka-unang uri ng alahas ay hindi gawa sa mga precious metal o precious stones, kundi galing sa mga leather at ngipin na nakukuha sa mga hayop, mga kahoy at kabibe.

Ang pagsusuot nito ay simboliko rin ng estado sa buhay at kalimitang ang mga leader ng tribo ang nagsusuot ng pinaka maraming alahas.

Sa pagtagal ng panahon ang mga makukulay na bato o raw precious stones ay pinaniniwalaang napupulot lamang ng mga tao daang libong panahon ang nakakaraan, at dito na nagsimula ang pag gamit dito bilang isang uri ng alahas.

Sa ehipto mahalaga ang pagsusuot ng alahas, hindi lamang ito adorno sa katawan kundi nakatutulong din upang malayo sa kamalasan at pati na rin pampa swerte.

Ang mga ginto noong unang panahon ay ibinabaon kasama ng mga yumao. Pinaniniwalaang kakailanganin pa rin ito ng mga yumao sa susunod na buhay.

Ang mga crowns at scepter, ang isa sa pinakamagandang ehemplo ng alahas na nagpapakita ng kapangyarihan at mataas na estado sa buhay.

Sa bansang China, ang mga ibat ibang hugis ng alahas ay sumisimbulo sa maraming bagay at kumokonekta sa ispiritual na pamumuhay.

Ang mga lotus jewelry ay sumisimbulo sa harmony o pagkakaisa na kadalasang ibinibigay sa mga bagong kasal.

Ang pilak na singsing ay nangangahulugan ng blessing. Ang ibat ibang uri ng alahas mula sa ibat ibang bansa ang naging dahilan upang kumalat pa ito. Sa ibat ibang parte ng mundo dahil sa mga kahulugan at diversity ng design nito.

Ilang mga alahas na rin ang nakilala sa buong mundo dahil sa ganda at lalim ng mga kasaysayang pinagdaanan nito.

Ang hope diamond na may bigat na 45.52 carats ay isang blue diamond at tinaguriang most famous diamond in the world.

Ang heart of the ocean naman na pinasikat ng pelikulang titanic ng isuot ito ni Rose sa kontrobersyal na painting scene ng pelikula  ay isang hearth shaped sapphire necklace na pinalilibutan ng round diamonds. Sa totoong buhay ang sikat na alahas na ito ay hindi nag e-exist at ginawa lamang pagkatapos ng pelikula At ngayon ay nagkakahalaga ng 2.2 million dollars.

Marami mang uri ng alahas ang nagdadala ng swerte mayroon ding pinaniniwalaang may hatid na kamalasan.

Isa na dito ang black orlov diamond na dinala sa Estados Unidos ni J. W Paris at pagkatapos nito ay tumalon si Paris sa isang sky scraper sa New York. Ang sumunod na nag may ari dito na dalawang Russian Princess na si  Nadia Orlov at Leonila Bariatinsky ay parehong nagpakamatay.

May hatid mang kamalasan, swerte o nagpapakita ng estado sa buhay ang mga alahas, sa huli ang mga alahas ay isang uri ng adorno at

Ang mahalaga ay hindi ang alahas kundi ang taong nag susuot nito.

Para sa balitang unang sigaw. Ito ang jewelries, Etched in history.