MAHIGIT LIMAMPUNG KUMPANYA, MAG-AALOK NG TRABAHO SA MGA NOVO ECIJANO SA GAGANAPING JOB FAIR SA ARAW NG MGA MANGGAWA

Isasagawa ng Public Employment Service Office ng Nueva Ecija sa darating na Araw ng mga Manggagawa o Labor Day sa Mayo uno ang kauna-unahang Job Fair ngayong taon na ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan sa Freedom Park Cabanatuan City, na mahigit sa limampung kumpanya ang inaasahang tatanggap ng mga kwalipikadong aplikante.

Trabaho para sa mga Novo Ecijano mapalokal at abroad ang inilapit ng ama ng lalawigan Governor Aurelio Oyie Umali at ina ng ikatlong distrito Congresswoman Czarina “Cherry” Umali.

Mahigit sa anim na libong job vacancies ang iaalok sa Job Fair sa pakikipagtulugan ng Department of Labor and Employment o DOLE, Philippine Overseas Employment Administration o POEA, Rachaelallen Review Center, at Nueva Ecija Federation of Peso Manager.

Bukod sa trabahong ibibigay sa mga Novo Ecijano may nakalaan ding seminar para sa mga nurses na maaari nilang pag-applyan.

Pinapayuhan ng PESO ng Nueva Ecija ang mga aplikante na magbihis ng smart casual attire at  magbitbit ng updated resume, diploma, transcript of records, NBI Clearance, Police Clerance at iba pang mahahalagang dokumento na karaniwang requirement ng mga employer.

20 beses ng nagsasagawa ng Job Fair ang pamahalaang panlalawigan simula noong 2010.

At ngayong taon, asahan na magsasagawa pa ang Provincial Government of Nueva Ecija through PESO ng 3 Job Fair na gaganapin sa buwan ng Hunyo, Setyembre at Disyembre.- Ulat ni Shane Tolentino