Talentadong Novo Ecijana: Anika Faith R. Cara

Isang talentado at nagtataglay ng angking talino sa akademiko  si Anika Faith R. Cara mula sa Lungsod Agham ng Munoz. Siya ay labing isang taong gulang panganay na anak nina Evanessa R. Cara at Don-don Cara.

Bilang estudyante ng Dep-Ed Elementary School sa CLSU kilala si Anika na panglaban sa Journalist,siya ay  champion sa Broadcasting division level, editorial writing, feature writing, at Chess player mula ng siya ay grade 4.

Nakahiligan din ni Anika ang pag awit kung kaya siya ang naging representative ng paaralan sa ginanap na UPONE awitan at naging 2nd place. Bukod pa dito 2nd placer din siya sa Math Jingle division.

Nagtapos siya ng elementarya sa Dep-Ed Elementary school sa CLSU bilang Salutatorian at pangarap niya maging isang Successful Engineer  at Successful Singer.