Pick-up ng Empleyado ng Munisipyo, Kinarnap!; Real Estate Consultant, Nasalisihan

Sta Rosa- Tinangay ng mga hindi nakilalang carnapper ang isang Isuzu Fuego pick-up habang nakaparada sa gilid ng kalsada sa barangay Aguinaldo bayan ng Sta. Rosa.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, alas tres ng hapon ng iparada ni Gerardo Cajucom, Assistant Registrar ng Munisipyo, ang kanyang pick-up na kulay pula at plate number na CTH-369 sa tapat ng kanilang bahay.

Nadiskubre na lamang niya kinabukasan na nawawala na ang kanyang sasakyan na pinaniniwalang itinakas ng mga hindi nakilalang suspek.

Cabanatuan City- Natangayan ng isang baril, Apple McBook, at wallet ang isang Real Estate Consultant ng masalisihan ng mga magnanakaw sa kanyang tahanan sa barangay Kapitan Pepe, Cabanatuan City.

Ini-report ng biktimang si Adrian Angelo Cabaddu ng number 35, Jimenez St. ng naturang barangay at lungsod sa himpilan ng pulisya ang nangyaring insidente.

suspek ang main door ng kanyang bahay na naiwanan nyang hindi naka-lock.

Kabilang sa mga nakuha ng mga salarin ang lisensya at Permit to Carry ng Caliber 40 pistol na may serial number na 1292731, Driver’s license, SSS, at Company ID at ATM card na laman ng wallet. – Ulat ni Clariza de Guzman