NOVO ECIJANOS, IBA’T IBA ANG DISKARTE PARA MAIBSAN ANG SOBRANG INIT NGAYONG TAG-INIT

Tag-init o tag-araw, ang isa sa apat na season o panahon dito sa Pilipinas.

 

Kaya naman sa pagpasok ngayon ng tag-init dito sa Nueva Ecija, iba’t ibang paraan o diskarte ang ginagawa ng mga Novo Ecijano kung paano magiging presko at maginhawa ang kanilang pakiramdam.

 

Karaniwan rin sa ganitong panahon ang nagpapalamig, naliligo sa ilog, beach at resort.

 

Payo naman ng ilan, kung hindi makapag-outing, o makakain ng ilang pagkaing patok tuwing summer, magsuot na lamang ng mga kumportableng damit para hindi mainitan at pagpawisan nang husto.

 

Nariyan rin ang mga preskong damit tulad ng sando at shorts. Sabi nga nila, fashion over comfort dapat tayo kumbaga.- Ulat ni Mary Joy Perez