LALAKING PINATAY, ITINAPON SA IRIGASYON; LOLO, NATAGPUANG PATAY SA BOARDING HOUSE

Kinumpirma ng mga otoridad na isang bala ng kwarenta’y singkong baril ang tumapos sa buhay ng isang lalaki na natagpuang lumulutang sa irigasyon sa barangay San Emiliano, bayan ng Aliaga.

Ayon sa ulat ng pulisya,  bandang alas syete trenta’y singko ng umaga ng makatanggap ng tawag ang istasyon mula sa isang concerned citizen at ipinagbigay-alam na may nakitang bangkay ng isang lalaki sa NIA irrigation canal.

Tinatayang nasa humigit kumulang kwarenta ang edad ng biktima, may taas na 5’1, katamtaman ang pangangatawan, at may mga tattoo ng mga letrang “MG” sa gitna ng kanyang kanang hinlalaki at hintuturo, at mga letrang “GL” naman sa gitna ng kanyang kaliwang hinlalaki at hintuturo.

Nakasuot ito ng itim na helmet, kulay blue na t-shirt, dilaw na sweatshirt, at itim na safety shoes ng matagpuang wala ng buhay.

Pansamantalang inilagak sa Eternal Funeral Parlor ang labi ng biktima

Cabanatuan City- Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang sanhi ng kamatayan ng isang lola na natagpuang patay sa loob ng boarding house sa Rizal St., Cabanatuan City.

Kinilala ang biktimang si Romeo Sebastian, sisenta’y uno anyos, binate, isang guro, residente ng barangay San Josef, bayan ng Sta. Rosa

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, dakong alas sais ng gabi nang madiskubre ng boardmate ng biktima na wala na itong buhay habang nakahiga sa kanyang kama.

Bagaman hinihinalang sa natural na paraan namatay ang biktima ay isinailalim pa rin ang bangkay nito sa autopsy examination. Ulat  ni Clariza de Guzman