ILOG AT SWIMMING POOL SA SAN JOSE CITY, DINARAYO NG MGA BAKASYUNISTA

Summer Time na naman kung kaya ang mga Novo Ecijano ay nag-eenjoy sa pagtampisaw sa tubig, mapa ilog man o swimming pool, kaya naman ating silipin ang kasayahan sa likod ng araw ng bakasyon.

Taon taon tuwing sasapit ang summer ay dinarayo ang isang ilog na nasa ibabang bahagi ng sikat na parke ng San Jose City ang Tayabo Park.

Karaniwan ng tumutungo dito ay ang ating mga kababayan na mula pa sa ibat-ibang lugar sa lalawigan at bumibilang ng isa hanggang dalawang libong katao ang naliligo sa ilog sa loob ng isang araw.

Ngunit hindi rin nagpahuli ang mga bakasyunista na magtampisaw sa naturang likas na yaman ng tubig ilog na ito.

Isa sa aming nasilip ang bakasyunista mula pa sa Sta. Rosa Laguna na mas pinili ang ilog kaysa sa resort dahil mas nakagawian na nila at nasisigurado din nila na safe maligo dahil malinis at may mga nakabantay na life guards.

Makikitang enjoy na enjoy lalo na ang mga bata sa paglangoy sa ilog.

Tumutugon din ang mga barangay tanod sa naturang lugar upang mapanatili ang kaausan ng mga taong naroroon.

Sa kabilang banda tinungo din naming ang isang simpleng resort ngunit umaapaw ng mga naliligo dahil mura at sulit ang kanilang entrance fee.

Ito ay ang Fanson Hotel and Resort sa San Jose City na naitayo noong 2002.

Ang entrance fee ng naturang resort para sa mga bata ay 40 pesos at sa matatanda ay 50 pesos lamang.

Binubuo ng 17 cottages ang resort  na may presyong 200, 300 at 500  pesos at at tatlong klase ng swimming pool na nakaelevate ang pambata at nakahiwalay naman ang pangmatanda.

Mayroon namang 3 life guards na nakaantabay sa maaring mangyari sa mga costumers na naliligo sa pool.

Amin ding nasaksihan ang isang reunion na ginanap sa Fanson Resort at mas pinili nila ang resort na ito na ganapin ang kanilang reunion dahil narin sa makamasang presyo ng entrance fee na kanilang sinulit maghapon. Ulat ni Bituin Rodriguez