TECHNOMART FOR SILAGE PRODUCTION FIELD DAY, TEMA NG PISTANG KALABAW NG PCC

Muling binigyang halaga ang  “Pistang Kalabaw” Pagpupugay sa Dakilang Kaagapay ng Magsasaka’t Bayan, sa Philippine Carabao Center ng CLSU Science City of Munoz, na may temang TechnoMart for Silage Production Field Day na siya namang dinayo pa ng magsasaka mula sa malalayong lugar tulad ng Cagayan,Isabela, Pangasinan at iba pa.

 

Ang naturang programa ay collaboration ng (PCC) o Philippine Carabao Center at (PCAARRD) o Philippine Council for Agriculture Aquatic and Natural Resources Research and Development.

 

Layunin nito na matugunan ang mga pagkain ng mga alagang kalabaw ng mga magsasaka at akitin ang mga investors na maaaring magpakilala ng purong mais at damo na ipapakain sa mga kalabaw lalo na pagdating ng tag-araw dahil kakaunti lamang ang sariwang damo .

 

Ayon kay Daniel Aquino, Supervising  Science Research  Specialist ng PCC na mainam na pagkain ng kalabaw ang damo at  binurong mais dahil ito ay nagiging mas masustansya.

 

Tinugunan din nila ng pansin ang pag-iimbak ng dayame dahil ito ang isang sangkap ng silage production kung saan  ang proseso ay tinawag na Urea Treated Riveses Raw upang turuan ang mga magsasaka  kung papaano ma-enrich o madagdagan ang sustansya ng dayame dahil sa isang daang kilo ng dayame mayroon lamang apat na kilong protina ngunit kung ito ay madadagdagan ng pulot at urea mas mapapataas ang protina ng dayame mula apat hanggang pitong pursyento maliban pa ditto ay mas lulusog ang kalabaw na nagpoproduce ng gatas.

 

May mga kagamitan naman na ipinakita ang PCC na syang paraan upang mapadali ang paggiling ng damo at mais tinawag na forage chopper mula sa ibang bansa at isang localy fabricated tulad ng tractor na gilingan na mas mura ang presyo dahil gawang pinoy .

Kabilang sa mga magsasaka na nakipagkaisa ay nagmula pa sa La Union, Cagayan, Isabela, Pangasinan, Bulacan, Pampanga, at Naga City.

Sa lawak naman na nasasakop ng PCC maikakampanya nito sa buong Pilipinas ang kanilang mga programa dahil binubuo ito ng 13 Centers Nationwide, lima sa Luzon, apat sa Visayas at apat din sa Mindanao at ang nakatayo sa ating lalawigan ang pinakaheadquarters ng mga naturang PCC Centers.

Ayon naman sa ilang magsasaka na marami silang natutunan dahil ang ilan sa kanila ay sasabak palamang sa negosyo na magmumula sa  gatas ng kalabaw. Ulat ni Bituin Rodriguez