MGA KABABAIHANG KAWANI NG PGNE, BINIGYAN NG SPECIAL TREATMENT

Binigyan ng espesyal na Araw Ang Mga Kababaihang Kawani ng Provincial Government ng Nueva Ecija, sa pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong buwan ng Marso.

Nilakipan ito ng temang “Juana, Desisyon Mo ay mahalaga sa kinabukasan ng bawat isa.”

Ayon kay Shirley Ann Angeles, Women Focal Person ng Provincial Social Welfare and Development Office, mahalaga umano na mapanindigan ng bawat kababaihan ang mga desisyon na kanilang ginagawa. lalo na at likas sa mga kababaihan ang pabago-bago ng kaisipan.

Anya, ito na ang ikatlong taon na kanilang isinasagawa ang ganitong klaseng aktibidad para sa mga kababaihan.

Katuwang ang Provincial Manpower Training Center, ay nagbigay sila ng libreng haircut, manicure, pedicure at massage.

Tuwang-tuwa naman ang mga kawani na napagkalooban ng libreng serbisyo.

Humigit kumulang sa tatlo hanggang limang daang katao, ang nakinabang sa programa.- Ulat ni Danira Gabriel