89 ESTUDYANTE, NAGTAPOS SA DEPED ELEMENTARY SCHOOL, CLSU SCIENCE CITY OF MUNOZ

40 lalake at 49 na babaeng  kabataan mula sa DepEd Elementary School CLSU, nagtapos at nagkamit ng ibat-ibang awards bilang parangal sa kanilang anim na taong pakikipagbuno sa pag-aaral sa kabila ng mataas na standard ng paaralan.

 

Hindi biro ang mag-aral sa DepEd Elementary school CLSU, dahil kilala ang paaralan na ito bilang isa sa prime public school sa buong division ng Science City of Munoz.

 

Pagdating sa learning outcomes ng paaralan lagi nilang minimintain ang pagiging academic excellence at ang performance ng bawat mag-aaral.

Ang mga batang nagsipagtapos sa DepEd Elementary School ay tinawag  na high achievers dahil sa pakikilahok nila sa ibat-ibang patimpalak patungkol sa sangay ng edukasyon  tulad na lamang sa Science Jingle sila ay champion. Inuwi rin nila ang tagumpay  sa MTAP Math Challenge Regional, nagkaroon din sila ng representative sa larong pambansa, humirit din sila sa Campus Journalist bilang 3rd placer sa regional School’s Press Conference, naging aktibo din sila sa pag attend sa National Centennial  Jamboree of Luzon, at iba pa.

Ang principal ng naturang paaralan ay promoted din bilang Principal III at naparangalan bilang Most Outstanding Principal II noong nakaraang Educational Week Celebration ng Division ng Munoz. Dekalidad din ang mga guro ng paaralan dahil ilan sa kanila ay naparangalan bilang Most Outstanding Master Teacher II. Kabilang din ang pagiging Rank 1, 4, Division Best Research Paper at aktibo din sila sa ibat-ibang training na sangkap ng edukasyon.

Nanguna  ang 11 year old na si Mikael Sagun taga Sapang Cauayan Munoz  bilang Valedictorian sa buong school year ng kanilang pagtatapos at ito ay nagpaabot ng mensahe para sa kapwa mag-aaral upang marating nila ang kanilang mga pangarap.

Nagpaabot din ng mensahe ang ama ng Valedictorian para sa mga parents na nagnanais na maging matagumpay ang pagtatapos sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Salutatorian naman ang nakamit ng 11 yr old na si Anika Faith Cara na taga Brgy. Cabisuculan Munoz na siya ring nagpahayag ng damdamin ukol sa kaniyang pagtatapos sa elementarya.

Dagdag pa ng Salutatorian ang kaniyang pagpapasalamat sa kaniyang pamilya na sumuporta sa kanyang pag-aaral.

Very thankful naman ang magulang ni Anika dahil sa nakamit ng kanilang anak bilang salutatorian.

Naging emosyunal naman ang pagbibigay ng bulaklak ng mga estudyante sa kanilang mga magulang bilang pagpapakita ng pagpapasalamat ng mga ito.

Nagpaabot naman ng mensahe ang punong guro ng naturang paaralan na si Emily Fernandez para sa kaniyang mga katuwang sa paaralan at maging sa mga mag-aaral. Ulat ni Bituin Rodriguez