TIBAY AT LAKAS NG HATAK NG 4X4 THUNDER NG FOTON, NASAKSIHAN NG MGA KLIYENTE

Nasaksihan ng mga kliyente ang tibay at lakas ng paghatak ng 4×4 Thunder noong Marso 20 araw ng Biyernes sa ginanap na 4×4 Thunder Outdoor Action Event sa Parking 4 NE Pacific Mall, Cabanatuan City.

Pinuri ng mga nakaranas na sumakay sa 4×4 thunder ang swabeng takbo ng sasakyang ito. Ani nila, maganda ang kalidad ng sasakyan at nakakarelax ang pakiramdam ng ito’y kanilang nasubukan.

Maging ang ina ng lalawigan Congresswoman Czarina “Cherry” Umali na siyang panauhing pandangal sa nasabing aktibidad ay hindi rin pinalampas ang pagkakataon na sumakay bagong unit ng Foton Motors.

Ipinagmalaki ni Congresswoman Cherry Umali ang tibay ng bawat sasakyan dahil ang ilan sa mga ginagamit sa ng pamahalaang panlalawigan sa pagbibigay ng libreng serbisyo sa mga Novo Ecijano ay mula sa produkto ng Foton Motors.

Pinatunayan naman ni Mr. Vincent Licup, Presidente ng Central Luzon Prime Mover Incorporated kung gaano kalakas ang paghatak ng makina ng 4×4 Thunder.

Ayon sa Vice President of Parts ng Foton Philippines Group, walong pagsubok ang dinaanan ng 4×4 thunder upang malaman ang kapasidad ng sasakyan.

Ang 4×4 Thunder ay maaaring lamnan ng kargamento na umaabot hanggang 1085 kg.  Ito ay may haba na 5320 mm, lapad na 1970 mm, taas na 1870 mm at may bigat na 2985 kg. Dahil sa may kalakihan ang sukat at espasyo ng sasakyan, komportable ang limang katao na sasakay dito.

Bukod sa 4×4 Thunder, ipinarada rin ng Foton Motors ang iba’t ibang units na sasakyan kabilang ang View Traveller, View Transvan, View Ambulance, Refrigerated Van with Aircon, Telescopic Crane, Dump Truck at marami pang iba.- Ulat ni Shane Tolentino