Talentadong Novo Ecijana: Virna Liza Moreno

Ang makapaglingkod at magbigay ng karangalan sa bayan ang matagal ng pinangarap noon pa ng 28 year old na si Private First Class Virna Liza Moreno, na nagtulak sa kanya upang pasukin ang pagsusundalo, katulad ng kanyang Lolo na dating World War II veteran. Sa palagay niya ay mas prestihiyoso ang pagiging babaeng miyembro ng hukbo.

Si Virna Liza o kilala din bilang Aiza, ay kasalukuyang miyembro ng Special Forces Regiment-Airborne ng Philippine Army, na tubong Nueva Ecija, at ngayon ay nakabase sa Kampo ng Fort Bonifacio. Si Aiza ay miyembro at mang-aawit din ng banda ng Special Forces.

Ngayon, ay isang karangalan ang muli pang dumating sa buhay ni Aiza, nang siya ay mapili bilang finalist ng Philippine Army auditions ng Rising Stars ng TV5. Sa kanyang powerful na boses at masiyahing personalidad, ninais ni Aiza na makapagbigay ng parangal para sa kanyang bayan ng higit pa sa karangalang kanyang naibigay sa pagiging babaeng sundalo.

Ating abangan at suportahan ang pride ng Nueva Ecija na si PFC Virna Liza Moreno sa kanyang paglabas at pakikipagtunggali sa Shining Star ng TV5.