FLAG RAISING NG SAN ISIDRO NUEVA ECIJA, BINISITA NI CONGRESSWOMAN CHERRY UMALI

Nakiisa ang ina ng lalawigan sa flag raising ng San Isidro Nueva Ecija. Dito nakasama ng ina ng lalawigan ang mga kawani ng local government kasama ng mga barangay captains.

Naging bukas-palad ang pagtanggap sa ina ng lalawigan. Nagpakita pa ng galing sa pagsayaw ang mga ina ng Day Care Service nang humataw ito ng makabagong uri ng sayaw.

Nagpahatid din ng mensahe ang punong bayan ng San Isidro nang bukas-palad na pagtanggap sa ina ng lalawigan.

Hindi nagtagal ay dumating din ang ama ng lalawigan Governor Aurelio Umali para sa meeting kasama ni Mayor Cesario Lopez, Vice Mayor Edgardo Tinio Paez at mga Kapitan sa bawat barangay.

Napag-usapan din dito ang kahilingan ni Brgy. Captain na bagong barangay hall para sa kanilang barangay.- Ulat ni Amber Salazar