Elected and Appointed Officers ng Kapitan Pepe Masonic Lodge ngayong 2015, ipinakilala sa pagdiriwang ng kanilang 25th Public Installation of Officers

Ipinakilala rin sa selebrasyon ang mga nakaraang Worshipful Master mula noong taong 1991 hanggang kay 2014 Worshipful Master Roseten E. Tugaff.

Ipinakilala sa pagdiriwang ng 25th Public Installation of Officers ang mga bagong Elected and Appointed Officers ng Kapitan Pepe Lodge 293 para ngayong taong 2015.

Sa mensaheng ibinigay ng bagong talaga na si Worshipful Master Garma, ibinahagi nito kung gaano kalaki ang nadarama nilang pagmamalaki sa kanilang mahal na inang Lohiya, bilang pinakamatikas na lohiya hindi lamang sa Distrito kundi maging sa buong Pilipinas.

Nagbigay naman ng Inspirational Message si Nueva Ecija Governor Aurelio Matias Umali sa pagtitipon, kung saan binanggit nito ang kahalagahan at kagandahan ng kanilang samahan.

Samantala, sa paunang mensahe ni Department of Education, Assist. Secretary Jesus Lorenzo R. Mateo sa seremonya, binigyang linaw nito na walang katotohanan ang napapabalitang magkakaroon ng suspensyon ang Kagawaran ng Edukasyon, sa mainit at kontrobersyal na K-12.

Ayon kay Assist. Secretary Mateo, matagal na aniyang hinihiling ng mga tao na palitan ang School year at ang Education landscape sa pamamagitan ng pagdadagdag ng taon sa Elementarya at Sekondarya upang makapasok sa International Standards.

Kabilang din sa mga nilinaw ni Mateo, ang pagpapalit umano nila ng School Calendar, kung saan sinabi nito na wala itong katotohanan, dahil sa dalawang kadahilanan, ito ay dahil sa panahon at dahil sa ating kultura.-Ulat ni Bituin Rodriguez