BINATANG MAY EPILEPSY, AKSIDENTENG NAHULOG SA ILOG, PATAY; HINIHINALANG MAGNANAKAW, INUTAS NG NPA

Cabanatuan City- Pinaniniwalaang aksidenteng nahulog at nalunod sa ilog sa barangay Polilio sa lungsod ng Cabanatuan ang isang binatang may epilepsy.

Natagpuan na lamang na lumulutang sa ilog bandang alas dyes ng umaga ang bangkay ng biktimang si Nolie Sebastian y Ronquillio, kwarentay syete anyos, ng naturang barangay .

Bagaman kumbinsido ang pamilya ng biktima na aksidente ang nangyari ay pinayagan pa ring dumaan sa autopsy examination ang mga labi ng biktima.

Carranglan- Bulagta ang isang hinihinalang magnanakaw matapos ratratin ng dalawang miyembro umano ng New People’s Army sa barangay Putlan, bayan ng Carranglan.

Kinilala ang biktima na si Sanciano tells y Tiniglon alyas Sonny, trenta’y sais anyos ng Sitio Masagana ng nasabing barangay.

Base  sa ulat ng pulisya, alas nueve ng gabi habang nagsusugal ang biktima sa bahay ng kanyang pinsan ng biglang dumating ang mga suspek na nakasuot ng fatigue shirt at pants.

Nagpakilala umanong mga NPA ang dalawang suspek at tsaka pinagbabaril ang biktima na kaagad na binawian ng buhay.

Narekober ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen ang limang empty cartridge, at tatlong bala ng kalibre kwarenta’y singko.- Ulat ni Clariza de Guzman