KAHANDAAN SA SAKUNA AT KALAMIDAD, PINAIGTING SA PROV’L CONVERGENCE NG DILG, PNP, PGNE

Pina-igting sa ginanap na Provincial Convergence ng Department of Interior Local Government, Philippine National Police, at Provincial Government ang kahandaan ng Local Government Units sa oras ng kalamidad at sakuna.

Nagpakita ng pagkakaisa ang Department of Interior and Local Government, Local Chief Executives ng Nueva Ecija at Local Government Officials sa ginanap na Provincial Convergience Disaster Preparedness Manuals and Operation Listo na ginanap sa  Sms Hotel Palayan City.

Dinaluhan  ito ng mga Mayors at mga Chief Executives kabilang na ang Bureau of Fire at Philippine National Police, panauhin din si DILG Regional Director of Region 3 Florida Dijan na bumilib sa lalwigan ng Nueva Ecija pagdating sa kahandaan na mga sakuna at kalamidad.

Nagpamigay din ng manuals ang DILG na isinaayos at na conceptualize noon pang 2007 sa tulong ng ama ng lalawigan Governor Aurelio Umali.

Malaki ang tulong ng meeting na ito dahil dito nakikita kung ano ang kalagayan ng ating lalawigan pagdating sa kahandaan sa mga sakuna.

Pumirma din ang ating mga Mayors at mga Local Chief Executives para sa pangako ng tamang paghahanda at pag-aksyon sa mga sakuna.

Inaasahan na sa pagdaan ng panahon mas lalo pang mapag-igting ang pagtulong sa mga mamamayan lalo na sa oras ng kagipitan, kalamidad at sakuna- Ulat ni Amber Salazar