MGA LARONG PINOY, BINUHAY SA MAIS FESTIVAL

Alupihan, Sack Race, Agawan ng Buko, Palosebo at Patintero. Ilan lang yan sa mga LarongPpinoy na binuhay muli ng Nueva Ecija University of Science and Technology, bilang pagdiriwang ng kanilang ika-limang taong anibersaryo ng Mais Festival.

Liksi, bilis at lakas ang ipinamalas ng bawat second year student sa mga larong kanilang sinalihan. U

Upang mas maging masaya, binago nila ang ilang mga laro. Katulad na lamang ng Juego de Anillo, kung saan ang mga  kalalakihan ang nagsilbing bisikleta na kanilang sinakyan.

Ang Larong Lahi ay katutubong laro na sumisimbolo ng ating pagiging Pilipino. Ito ay larong humubog at nagbigay kulay sa kamusmusan ng bawat batang pinoy.

Ayon kay Hilario Ortiz, Presidente ng NEUST mahalagang balikan ang mga katutubong laro. Lalo na sa panahon ngayon, na puro High-tect gadgets na ang ginagawang laruan at libangan ng mga kabataan.

Sa panahon ngayon, higit na dapat makilala ng mga bata ang laro ng lahi. Dahil, may mas magandang maidudulot ito sa kamalayan at paghubog sa kanilang kamusmusan.-Ulat ni Danira Gabriel