KARERA NG BISIKLETA SA BAYAN NG GEN. TINIO, DINAGSA NG MGA BIKERS MULA SA IBA’T IBANG BAYAN SA NUEVA ECIJA

Dinagsa ng mga bikers mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Nueva Ecija ang Papaya Mountain Biking Challenge o karera ng bisikleta na isinagawa sa bayan ng Papaya Gen. Tinio noong Linggo na bahagi ng selebrasyon ng ika-98 Founding Anniversary nito.

Ang challenge, suungin ang labindalawang kilometrong daan patungo sa ipinagmamalaking tourist atraction sa Gen. Tinio, ang Minalungao National Park.

Inikot ng mga cyclist ang bundok na tumutumbok sa daan tungo sa nasabing atraksyon pabalik sa harap ng munisipyo ng Gen. Tinio na syang nagsilbing starting line ng mga manlalaro.

Nakipagsabayan rin sa pagpedal at pagtadyak sa bisikleta ang ilan sa mga babeng siklista na walang takot na sinabayan ang mga lalaking bikers kahit pa nga matatarik ang daan.

Samantala sinabi naman ni Lgc Bike Express Jessica Rose Lo na bago sumabak sa anumang sports ay dapat isaalang-alang ang kaligtasan kaya naman hinihikayat nila ang mga publiko na maging mapanuri sa pamimili ng ilang safety gears tulad ng helmet at siguruhin ang kalidad ng mga ito.-

Dagdag pa ni Lo na napakahalaga ng sports o ehersisyo sa ating buhay upang mapanatiling malusog at malaksa ang ating mga katawan. Ulat ni Mary Joy Perez