GASIFIER, BAGONG MAKINA NA IPINAKILALA SA LALAWIGAN NA MAKAKATULONG PARA SA MABILIS NA PAGPAPATUYO NG PALAY

Nasubukan sa dry run na isinagawa ng pamahalaang panlaalwigan, na dinaluhan ni Department of Agriculture Proceso Alcala ang bilis sa pagpapatuyo ng palay ng bagong makina na tinawag na gasyfier.

Dry Run para sa bagong makina na tinawag na Gasyfier ang isinagawa na sa Palayan City, samantala lubos  naman ang pagsuporta ng gobernador ng lalawigan  Aurelio Umali upang maipakilala ang mas mabilis na paraan ng mga magsasaka ukol sa pagpapatuyo ng palay  sa ating probinsya.

Kilala ang Nueva Ecija bilang Rice Granary of the Philippines, kung kaya ibat-ibang proyekto ang tinutugunan ng pamahalaang panlalawigan upang mapagyaman ang pagpapahalaga sa bawat butil  ng palay na ating inaani.

Malaki ang maitutulong ng gasifier lalo na kapag wet season dahil hirap magpatuyo ng palay ang mga magsasaka lalo at ipinagbawal na ang pagpapatuyo ng palay sa mga kalsada kung kaya nagkaroon ng ganitong teknolohiya at ito ay nagmula pa sa Korea.

Ang Gasifier ay nagsusuply ng hot air  na siyang kailangan para sa pagpapatuyo ng palay.

Ang proseso nito una isasalang muna ang mga bagay na nagtataglay ng combastible biomass katulad ng ipa, kawayan ,maari rin gamitin ang coconut shell at iba pa,ito ay pumapasok sa isang chamber o ang mismong gasifier at sa loob ay nagpoproduce ito ng gas o combustible gas na syang nagsisilbing producer ng apoy na kapareho lang din ng isang ordinaryong lpg gas diretso na sa makina na nagsisilbing drier ng palay na nakasalang.

Kada oras ay kayang patuyuin  ng gasifier ang 2 tons na dami ng palay at ang pinakanormal na oras na inaabot sa pagpapatuyo ay 10-18 hours dipende sa moisture ng palay

Ayon sa gobernador na layunin nito na matulungan  at mas maibigay ng mas mababa ang presyo ng bigas  ngunit mataas ang kwalidad para sa mga magsasaka at consumers kumpara sa mga comercial  ricemiller na pumapatak ng piso kada kilo ng palay.

Kainaman pa ng gasifier na ito ay may alternatibong pakinabang kung saan ito ay nakakaproduce  ng uling na magagamit sa pagproduce ng apoy sa makina at   maari rin maibenta sa mga consumers.

Proud ang ama ng lalawigan dahil  ito ang kauna-unahang gasifier na mayroon sa Pilipinas.

Dagdag pa ng gobernador na mula sa amu program katuwang pa ang technical manpower at isa pang kukumpleto sa cycle ng proyekto ay  binangit narin ng ama ng laalwigan na isusunod na ang pagpapagawa ng Provincial Rice Mill. Ulat ni Bituin Rodriguez