DVF SA BAYAN NG TALAVERA, TINATANGKILIK HINDI LANG NG MGA TAGA NUEVA ECIJA KUNDI PATI NA RIN NG MGA DUMADAYO SA LALAWIGAN

Kayo ba ay mahilig sa matatamis at malinamnam na pagkain at inumin? Narito na ang sagot sa inyong panlasa ,ang ibat-ibang produkto na nagmumula sa gatas ng kalabaw na talaga namang uulit -ulitin mong kainin at inumin. Ating silipin ang katakamtakam na balita mula sa bayan ng talavera.

Aming binisita ang sikat na bilihan ng ibat-ibang klase ng pwede mong gawing apetizer at  miryenda sa  dvf o dairy farm na makikita sa bayan ng talavera.

Bago nila pinasilip sa amin kung paano gawin ang ibat-ibang produkto mula sa gatas ng kalabaw ay idinala muna nila kami sa kanilang laboratory kung saan dito tinetest ang bawat gatas na inaangkat sa ibat-ibang lugar sa  lalawigan na siyang magpapatunay na may grade a ang mga ito o pasado sa test upang ihalo sa mga produkto.  Ito ang pangunang hakbang sa gatas ng kalabaw na inaangkat bago ito isalang sa lutuan.

Matapos ang test ay dadalin ang gatas sa timbangan upang matiyak ang kahustuhan ng dami ng isasalang na gatas

Aming nasaksihan kung paano at gaano katagal isagawa ang pagluluto ng mga produkto para sa kanilang dry products tulad ng pastillas, espasol at milk candies.

Tumatagal naman sa isat kalahating oras ang pagpapastuerize ng mga nakasalang na gatas sa kanilang pastuerizer tank na naglalaman ng 250 liters kada tangke

Gamit ang fat separator nahihiwalay na ang low fat at non- fat content ng gatas,  ang skimmed milk na  nagiging low fat milk at ang cream na naipon o fat ay kinoconvert nila sa butter

Kami ay maswerte ring napaunlakan ni dvf o danilo fausto ang siyang mismong nagmamay ari ng dvf ikinwento niya sa kung paano niya napagyaman ang kanyang negosyo mula sa gatas ng kalabaw

Naranasan din niya ang magrasyon lamang ng gatas sa bahay bahay

Dagdag pa ni dvf na noon ay limang libong piso lamang ang kanyang naging puhunan sa kanyang negosyo at ngyon ay halos nasa 30milion na ang halaga ng kanyang planta

Naging maganda naman ang layunin ni dvf sa kanyang negosyo dahil marami siyang natutulungan pamilya na siya niyang katuwang sa paggawa araw araw sa kanilang farm

Mahigit sa isang daan narin ang alagang kalabaw ni dvf na dati ay nagsimula lamang siya sa sampung kalabaw

Si dante manabat ang farm manager ni dvf ay nagbigay ng mensahe  sa kanyang boss.Ulat ni Bituin Rodriguez