GYM FITNESS CENTERS, PATOK NGAYONG ENERO

Matapos ang sunud-sunod na handaan at kainan nang nagdaang holiday season, marami sa mga Novo Ecijano ngayon ang aminadong tumaba at problemado dahil sa pagtaas ng kanilang timbang.

Dahil dito, todo-diet at todo-work out ngayon ang karamihan upang maibalik umano ang kanilang sexy figure o magandang katawan.

Pinaka-dinadagsa ang mga gym dahil mabisa ito sa pagcoconvert ng fats upang maging muscle. Isa na rito ang Pards Gym sa bayan ng Sta.Rosa.

Ayon kay Jason Lugtu, Pards Gym Fitness Center Owner and Nueva Ecija Muscle Showdown 2014 Champion, dumagsa ang costumers sa kanilang gym upang magbalik o magsimulang magwork out at magpapayat.

Kaya naman nagbigay si Lugtu ng mga tips o tamang pamamaraan upang magbawas ng timbang para sa mga nagnanais magsimula at nagbabalak pa lamang pumasok sa gym.

Matapos ang Cardio and Body Conditioning, susunod na gagawin ay ang stretching upang mahatak ang mga muscles ng katawan.

Kapag naramdaman nang nakapag-adjust ang katawan makaraan ang isang linggo, maaari na umanong simulan ang balanced diet, maging ang pag-iwas sa baboy at iba pang mga matatabang pagkain.

Susunod ay ang tamang paggamit ng iba’ibang gym equipments.

Isa ang treadmill sa pinaka-unang equipment na gagamitin para sa cardio at body conditioning.

Para sa mga beginners, dapat raw gawin ang basic exercises tulad ng Crunches, Leggings at Body Twisting para sa abs.

Iba’t ibang Dumbbell Exercises naman para sa chest at shoulder.

Squats naman ang effective gamit ang Weight Machine at Leg Press Equipment para sa tights at legs.

Preacher Curl Bench Machine naman ang para sa biceps habang Dumbbell Exercise naman para sa triceps.

ulat ni Janine Reyes