SERVICE CARAVAN”, PATULOY NA NAGBIBIGAY NG LIBRENG SERBISYO SA BUONG LALAWIGAN

Patuloy na umiikot at nagbibigay ng libreng serbisyo sa mamamayan sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Nueva Ecija ang programang “Service Caravan”.

Kabilang sa mga libreng serbisyo na ipinagkakaloob ng programang ito ay free manicure, pedicure, massage, hair color at haircut.

Ito ay programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Aurelio “Oyie” Umali, Congresswoman Cherry Umali at ng Provincial Manpower Training Center o PMTC.

Nitong nakaraang Lunes lamang ay bumisitang muli, sa ikatlong pagkakataon, ang Service Caravan sa bayan ng Sta. Rosa kung saan mahigit sa isaandaang mamamayan nanaman ang napagkalooban ng libreng serbisyo.

Ayon sa pamunuan ng naturang programa, kahit sino, bata man o matanda, ay maaaring tumanggap ng serbisyong ito lalong lalo na ang mga walang kakayahan na makapagpalinis ng kuko, magpamasahe o magpagupit ng buhok sa mga salon o beauty parlor.

Samantala, bukod sa mga benepisyaryo, ayon sa mga PMTC students, malaki rin ang naitutulong sa kanila ng programa dahil ito na ang nagsisilbing OJT o On the Job Training nila.

Isa si Josephine Henriksen sa mga estudyante ng PMTC na nagbibigay ng serbisyo sa mamamayan. Ayon sa kanya, malaki ang naitutulong sa kanya ng “caravan” dahil nailalabas niya ang kanyang passion at talento sa pagpapaganda ng ibang tao.

Samantala, masayang masaya at labis ang pasasalamat ng mga taga-Sta. Rosa sa PMTC at kay Governor Oyie Umali dahil sa magandang serbisyo na ipinagkaloob sa kanila.- Ulat ni Janine Reyes