2 Menor de Edad Inutas, Kritikal!; Magsasaka Tinarget sa Ulo, Tigbak

Guimba- Malubhang nasugatan ang dalawang lalaking menor de edad matapos saksakin sa barangay Sta. Veronica sa bayan ng Guimba.

Kinilala ang suspek na si Marcelo Velasquez y Cabading alyas Nga-Nga, residente ng naturang barangay at bayan.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang bandang alas dyes trenta ng gabi, papauwi ang mga biktima sa kanilang tahanan ng harangin at pagsasaksakin ng suspek gamit ang isang ice pick.

Isinugod sa Guimba District Hospital ang mga biktima samantala agad namang tumakas ang suspek.

Cabanatuan City- Patay ang isang magsasaka makaraang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek barangay San Isidro, Cabanatuan City.

Hindi na umabot sa pagamutan ang biktimang si Reynaldo Tolentino y Bautista, kwarenta’y kwatro anyos, na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa ulo.

Base sa imbestigasyon ng otoridad, dakong alas sais ng gabi habang nakasakay ang biktima sa kanyang owner type jeep ng barilin ng sunud-sunod ng mga hindi nakilalang suspek na mabilis na tumalilis matapos maisagawa ang krimen.- Ulat ni Clariza de Guzman