PAG-ASA AT SUPORTA, IPINAKITA SA BLESSING AT TURN-OVER CEREMONY NG BAGONG GYM SA SAN ANTONIO BAGONG BUHAY ELEMENTARY SCHOOL

Ngiti, tawanan at saya, yan ang makikita sa bawat faculty at staff ng SABBES o San Antonio Bagong Buhay Elementary School. Ang dating open space kung saan ginaganap ang kanilang mga aktibidad ay isang bagung-bagong gymnasium na. Dalawang barangay ang makikinabang sa gymnasium na ito ang Barangay San Antonio at  Bagong Buhay.

Isang eskwelahan na ngayo’y mas pinaunlad pa sa tulong ng Ama ng Lalawigan Gov. Aurelio Matias Umali katuwang ang Ina ng Lalawigan Congresswoman Cherry Umali at higit 600 mag-aaral ang ngayo’y nakalayo na sa init ng araw tuwing may gaganiping aktibidad sa kanilang gymnasium.

Sa misang ginanap para sa bagong gymnasium, ang pasasalamat sa pagtulong ang naging tampok. Hindi maikakailang ang gymnasium na ito ay isang hakbang tungo sa pag-unlad ng San Antonio Bagong Buhay Elementary School. – Ulat ni Amber Salazar