Bangkay ng Magsasaka, Natagpuang Lumulutang sa Irigasyon; “Kristo” ng Sabungan, Binoga sa Harap ng Bahay, Patay

Natagpuang palutang-lutang sa irrigation canal ng NIA ang bangkay ng isang magsasaka sa barangay Bakero sa lungsod ng Cabanatuan.

Ayon sa impormasyong nakalap, kinilala ang biktimang si Gil Lopez y Bautista, singkwenta’y singko anyos, residente ng Purok kwatro ng nasabing barangay.

Masusing iniimbestigahan sa kasalukuyan ng pinagsanib-pwersa ng pulisya at SOCO kung posibleng may foul play na naging sanhi ng kamatayan ng biktima.

Zaragoza- Patay ang isang “kristo” ng sabungan matapos barilin sa tapat ng kanyang tahanan sa barangay Sto. Rosario, Bata, bayan ng Zaragoza.

Kinilala ang biktima na si Sixto del Rosario y Morandante alyas “Tamang”, singkwenta’y singko anyos.

Base sa imbestigasyon ng Zaragoza Police, bandang alas kwatro ng madaling araw ng makarinig ng putok ng baril ang kapit-bahay ng biktima.

Nang makita ang nakahandusay na katawan ng biktima ay humingi ito ng tulong sa kanilang mga kapit-bahay ngunit hindi na umabot na buhay sa pagamutan ang biktima. Ulat ni Clariza de Guzman