TRICYCLE DRIVER, HINOLDUP NG KANYANG PASAHERO; 2 MIYEMBRO NG NOTORYUS NA AZARCON GUN FOR HIRE AND ROBBERY HOLD-UP GROUP, TODAS SA ENGKWENTRO

Cabanatuan City- Pinaghahanap ngayon ng mga otoridad sa lungsod ng Cabanatuan ang isang lalaking hold-upper na nambiktima ng tricycle driver.

Una rito, sugatan ang tricycle driver na kinilalang si Reynan Sarmiento y Johnson, bente tres anyos, binata, residente ng barangay Barrera ng naturang lungsod, matapos barilin ng hold-upper sa General Tinio Extension, Cabanatuan City.

Sa salaysay ng biktima, habang sakay ng tricycle bigla na lamang siyang tinutukan ng baril ng suspek at kinuha ang kanyang wallet.

B             inilisan ng biktima ang pagpapatakbo sa kanyang tricycle para maiwasan ang suspek ngunit sa kabila nito ay nagawa pa rin siyang barilin nito.

Bongabon- Napatay ng mga operatiba ng pulisya ang dalawang notoryus na holdaper matapos makipagbarilan sa Brgy. Digmala sa bayan ng Bongabon.

Kinilala ang dalawa na sina Oliver Moga, trenta’y siete anyos, ng Brgy. San Isidro, bayan ng Laur, at Jeffrey Garcia, trenta’y singko anyos, ng Brgy. Talipapa na kapwa miyembro ng Azarcon gun-for-hire at robbery/holdup group sa lalawigan.

Batay sa police report, bago maganap ang shootout ay niratrat at napatay ng dalawa ang magsasakang si Raymundo Nicolas sa nasabing barangay.

Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng 703rd Infantry Brigade ng Philippine Army, 4th Maneuver Platoon ng Provincial Public Safety Company at Bongabon PNP kung saan napatay ang dalawa.- Ulat ni Clariza de Guzman.