KASAYSAYAN NG FOOD PRESERVATION, KAILAN NGA BA NADISKUBRE NG MGA TAO?

Malaki ang tulong ng pagpepreserba ng mga pagkain upang makapag-imbak ng makakain para ito’y magamit sa oras ng

Malaki ang tulong ng pagpepreserba ng mga pagkain upang makapag-imbak ng makakain para ito’y magamit sa oras ng kagipitan o pangangailangan.

Sa iba’t ibang kultura kahit noong unang panahon ay isinasagawa na ang pagpreserba sa mga pagkain. Wala pang refrigerator at hindi pa uso ang ibat ibang hi-tech na pag-iimbak ng pagkain ay nadiskubre na ito ng mga tao noon pa lamang 12,000 B.C.

Noong panahon na ito ay iba’t iba na ang paraan ng preservation na nalalaman ng tao. Sa malalamig na lugar ay pinagyeyelo ang pagkain upang masigurado na maaari pa itong makain pagkatapos ng ilang araw.

Para naman sa maiinit na lugar ay ginagamit ang hangin at araw o drying para mapreserba ang mga pagkain. Ganito ang ginagawang paraan ng mga taong nakatira sa Middle East at Oriental Culture.

Hindi lamang karne ang maaaring gamitan nito kundi pati na rin mga gulay at prutas. Ang fermenting ng pagkain ay hindi naimbento kundi nadiskubre ng mga tao noong 10,000 bc nang naiwan nito ang barley grains sa ulan at dito nadiskubre ang beer.

Hindi lahat ng food preservation ay naging matagumpay nang una itong nadiskubre.

Noong panahon naman na naimbento ni Nicholas Apert ang preserbasyon ng pagkain sa pamamagitan ng paglalata dito noong 18th century, naging dahilan ang maling paggawa nito para malason ang mga unang taong nakadiskubre nito.

Noong 1845 naglakbay sa karagatan ang Franklin Expedition kung saan nagstock ang crew ng mga canned foods. Ang layunin nito ay makita ang daan sa North West Passage sa pagitan ng north Atlantic at Pacific Ocean.

Sa paglalakbay ng 129 crew ng dalawang barko, bigla na lamang itong nawala at ng makita na ito sa gitna ng nagyeyelong tubig, patay na ang lahat ng taong sakay nito. Ng ginawa ang autopsy sa mga bangkay, napag-alaman na mataas ang lead content nito at dito napag-alaman ang malagim na nangyari sa sakay ng ekspedisyong ito.

Habang kinakain nito ang mga canned foods na dala nito unti-unti na palang nalalason ang katawan ng mga taong sakay nito.  Ang lead poisoning ay may sintomas katulad ng  abdominal pain, pagsusuka, at pagkahilo. Napag-alaman din na maaari din itong makaapekto sa matinong  pag-iisip. Sa severe cases ay maaari itong maging dahilan ng seizures, coma at kamatayan.

 

Naging dahilan ang maling preserbasyon ng pagkain ng panahong ito upang mapalapit sa kapahamakan ang lahat ng sakay ng dalawang barko.

Sa ngayon sa ibat ibang parte ng mundo ibat ibang uri ng food preservation na ang ginagawa upang masigurado na safe ang mga napepreserve na pagkain.

Maaaring gamitan ito ng ibat ibang kemikal at mga simpleng pamamaraan, para manatiling edible ang ating pagkain pagkalipas ng ilang panahon. At nayon ay ibat ibang paraan pa rin ang patuloy na iniimbento para makapagpreserve ng pagkain.

Ayon sa mga expert, maaaring maging mas innovative at hi-tech na ang pag-iimbak ng pagkain at ang goal ngayon ay mas maging madali ang pagdadala ng mga ito.

Kung saan ang iyong pagkain ay mas madaling dalhin at mas magaan upang makapa padala ng mas maraming quantity nito ng hindi na nahihirapan pa sa pagbubuhat.- Ulat ni Philip “Dobol P” Piccio