Rice Museum ng Pilipinas, matatagpuan sa Science City of Muñoz, N.E.

Muling bubuksan ang nagiisang Rice Museum ng Pilipinas, sa Philrice sa Science City of Muñoz. Kung saan, makikita ang koleksyon ng iba’t-ibang uri ng bigas , palay at kanin na masisilip lang sa ating lalawigan, na tinaguriang “Rice Granery of the Philippines.”

Matutuklasan sa Rice Science Museum ang mga sinaunang kagamitan na ginagamit ng mga pilipino sa pagtatanim ng mga palay. Makikita din dito ang mga makabagong proseso sa pag-gawa ng bigas.

Ayon kay Daydem Esmero, creator ng Rice Science Museum kada ika-tatlong buwan ay nagpapalit ng iba’t-ibang tema ang Museum. Ngayon 1st quarter ng taon, ay tampok nila ang temang “Bountiful Harvest” o panahon ng masagang ani.

Naka display sa Rice Museum ang mga kakaibang kagamitan, katulad na lamang ng “bulul”, sa paniniwala na ito ay isang “Rice God.” Maging ang coffe table na imbes na kape, ay iba’t-ibang uri ng bigas ang nakalagay.

Nandito din ang tinaguriang “bespren” ng mga magsasaka, ang kalabaw, na yari sa mga sanga, kahoy at kung anu-ano pa na ginagamit sa pang-aararo ng bukid.

Layunin ng Museum, na pahalagahan ng bawat pilipino ang kultura at kasaysayan na meron tayo sa proseso ng pagsasaka ng bigas.

Ang Rice Science Museum, ay opisyal na bubuksan sa publiko sa February 23, ng kasalukuyang taon.ULAT NI DANIRA GABRIEL