TALENTO SA PAGSAYAW AT PAGKANTA NG TADNHS, IPINAMALAS SA 1ST CONCIERTO DE DANZA DOS MIL KINSE

Matagumpay ang kauna-unahang Concierto De Danza Dos Mil Kinse o 1st Dance Concert 2015 ng T. A. Dionisio National Highschool Sayaw Eskwela noong Biyernes (February 13). Ipinamalas ng mga mag-aaral sa konsyertong ito ang kanilang husay sa pagsayaw at galing sa pagkanta.

Binulaga ng TADNHS ang mga manonood sa umpisa pa lang ng kanilang bilang.

Makukulay na kasuotan at ibat-ibang klase ng sayaw ang ipinakita na inilapat sa kanta ni Lea Salonga na “Kanta Pilipinas.”

Binuhay din ang katutubong sayaw ng Pilipinas na nakilala sa ibat ibang sulok ng mundo ng ilang mga piling manananghal ng TADNHS Sayaw Eskwela.

Ilan pa sa mga itinanghal ng mga mananayaw ay ang pinasikat na kanta noong 70’s ni Frank Sinatra, kanta noong 90’s na pinasikat ni Ricky Martin, at emotional interpretation sa kanta ni John Legend noong 2013.

Hindi lamang husay sa pagsayaw ang ipinamalas ng Sayaw Eskwela Members. Pati sa pagkanta, hindi nagpahuli ang kanilang mga kasama.

Nakiisa rin sa pagsayaw ang mga guro ng TADNHS sa mga tugtuging hango noong 1980’s.

Ibang bagsik naman ang bumungad sa mga manonood sa pagtatapos ng konsiyerto ng pagsama-samahin ang  ilan sa mga  kantang sumikat noong 20th century sa pangunguna ng kanilang adviser na si Jeff Bautista Mallari.

Lahat ng mga nakapanood sa tatlong araw na pagtatanghal ng TADNHS Sayaw Eskwela sa bayan ng San Isdro ay nag-iwan ng ngiti sa knilang mga labi.- Ulat ni Shane Tolentino