SENATOR ALLAN PETER CAYETANO, NAGBIGAY NG ADVICE SA MGA STUDENT LEADERS NG BANSA NA GINANAP SA PHILIPPINE CARABAO CENTER

Mulang nagbalik sa lalawigan ng Nueva Ecija si Senator Allan Peter Cayetano. Lumapag ang helicopter ni Senator Cayetano sa Philippine Carabao Center na sinalubong ni Former Board Member Doc Anthony Umali.

Dumalo si Senator Cayetano at Doc Anthony Umali na dinaluhan rin ni Science City of Munoz Mayor Nestor Alvarez  sa Start Up o Student Trustees and Regents Union of the Philippines na ginanap sa Philippine Carabao Center.

Dumalo ang ibat-ibang student leaders mula sa ibat-ibang eskwelahan sa buong bansa kung saan ang host school ay ang Central Luzon State University.

Nagbigay din ng speech si Senator Cayetano na naghihimok sa mga kabataan na gamitin ang kanilang boses upang marinig ng kinauukulan.

Bago tuluyang pumunta sa susunod na destinasyon ay nag-iwan ng mensahe si Senator Cayetano sa mga young leaders na maaaring sa susunod na panahon ilan dito  ay maaring ituloy  ang pangarap na maglingkod sa bayan.

Pagkatapos dito ay tumuloy sa meeting kasama ng Toda ng Munoz si Senator Cayetano kasama si Doc Anthony Umali na Representante ng ating ama ng lalawigan Governor Aurelio Matias Umali.

Ipinagpapatuloy ni Senator Cayetano ang PTK TODA o Presyo, trabaho/kita, Kaayusan.

Sa mga darating na panahon ay pinapangarap na ang PTK Toda ay maging bukas na rin sa mga mamangalakal ng palengke, kung saan gamit ang ibibigay na pondo, ay magkakaroon ng pautang ang isang organisasyon na may hulog na hindi tataas sa 50 piso kada araw sa napakababang interes na hindi tataas sa 5 porsyento, upang tuluyan nang maalis ang pautang na 5-6 o bente porsyentong interes na kadalasang dahilan kaya nababaon sa utang ang mga tricycle drivers.- Ulat ni Amber Salazar