SEAMAN NANLABAN SA SNATCHER, SUGATAN; MAGKAPATID NA LALAKI, NATAGPUANG PATAY

Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa katawan at kanyang hita ang trenta’y otso anyos na seaman matapos na manlaban sa isang snatcher sa Ilog Baliwag sa bayan ng Quezon.

Kinilala ang biktimang isinugod sa pagamutan na si Jaime Sarador y Serilla, residente ng naturang barangay.

Ayon sa pulisya, pauwi na ang biktima kasama ng kanyang asawa sa kanilang bahay nang bigla na lamang hablutin ng hindi nakilalang suspek ang kanyang backpack pagsapit sa madilim na bahagi ng kalsada.

Nanlaban ang biktima kaya pinagbabaril ng suspek.

San Jose City- Literal na naging kulay pula o dugo ang Valentine’s day para sa magkapatid na lalaki na kapwa natagpuang wala ng buhay sa barangay Sto. Tomas, San Jose City.

Nakahandusay at duguan ng madiskubre ang mga bangkay ng magkapatid  na kinilalang sina Ricarte Santos y Mendoza, singkwenta’y otso anyos, at Danilo Santos y Mendoza, singkwenta’y sais anyos kapwa residente ng naturang barangay.

Bandang alas singko ng madaling araw ng matagpuan ng live in partner ni Danilo na si Jenny Tejada ang bangkay ng dalawa katabi ng kanilang tricycle sa bakanteng lote ng kanilang barangay.

Narekober ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen ang isang deformed slug ng kalibre kwarenta’y singko. Ulat ni Clariza de Guzman.