KAPITAN, ITINUMBA SA BARANGAY HALL NG DAMPULAN; LALAKING HINIHINALANG MAGNANAKAW, BINOGA HABANG NATUTULOG, TODAS

Jaen- Hindi na umabot sa pagamutan ang singkwenta’y singko anyos na dating pulis at kapitan ng barangay matapos ratratin sa tapat ng barangay hall ng Dampulan sa bayan ng Jaen.

 

Ang biktima ay kinilalang sis i Herminigildo Eduardo y Catacutan, may asawa, na nagtamo ng maraming tama ng bala ng automatic rifle sa katawan.

 

Ayon sa pagsisiyasat ng Jaen Police Station, dakong alas syete bente ng umaga habang kausap ng biktima ang isang kaibigan ng may biglang humintong SUV type vehicle na may plakang AQ-8603 sa tapat ng barangay hall at pinagbabaril  si kapitan Eduardo.

 

Narekober ng SOCO sa pinagyarihan ng krimen ang dalawampong piraso ng basyo ng caliber .30, tatlong piraso ng deformed slug at dalawang bala mula sa katawan ng biktima.

 

San Leonardo-  Agad na namatay ang isang hinihinalang magnanakaw makaraang barilin habang natutulog sa barangay San Bartolome, bayan ng San Leonardo.

Kinilala ang biktima na si Gary Relloso alyas Piolo, binate, tubong Bicol, kasalukuyang naninirahan sa naturang barangay.

Nabatid na natutulog ang biktima ng sa loob ng kanyang bahay ng bigla na lamang barilin ng hindi nakilalang suspek na nakasuot ng bonnet at armado ng kalibre kwarenta’y singko.

Hinihinala ng mga otoridad na ang biktima ay sangkot sa ilang nakawang naganap sa kanilang barangay. Ulat ni Clariza de Guzman.