CONGRESSWOMAN CHERRY UMALI DUMALAW SA BAYAN NG PEÑARANDA; MGA MAMAMAYAN, IPINAHAYAG ANG KANILANG SUPORTA AT PASASALAMAT SA KONGRESISTA

Dumalo sa isinagawang Flag Ceremony sa bayan ng Peñaranda ang kongresista ng ikatlong distrito ng Nueva Ecija, Congresswoman Cherry Umali, na ginanap sa Peñaranda Municipal Hall nitong lunes, ika-labinganim ng Pebrero.

Masayang tinanggap ng mga taga- Peñaranda ang butihing kongresista sa kanyang pagdalaw sa kanilang bayan.

Sa mensahe ni Mayor Ferdinand “Blueboy” Abesamis, ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat at pagsuporta kay Congresswoman Cherry.

Buong pagmamalaki rin niyang ibinalita sa kanyang mga kababayan ang maraming proyektong ipinagkaloob sa kanila ng unang ginang ng lalawigan tulad ng auditorium, classrooms, at mga magagandang daan.

Sa naturang programa, ipinahayag ni Congresswoman Cherry ang kanyang buong-pusong pagmamahal at paglilingkod sa bayan ng Peñaranda at sa buong lalawigan ng Nueva Ecija.

Matapos ang programa, personal na kinausap ng kongresista si Mayor Abesamis at ang lahat ng mga lingkod-bayan ng Peñaranda maging ang mga Barangay Captains at Counsilors.

Ibinigay niya ang kanyang buong atensyon upang dinggin ang mga problema o hinaing ng buong bayan at magbigay ng suporta sa mga proyektong nais nilang isagawa.

Ipinangako rin ng unang ginang na pagtutulungan nila ni Governor Oyie Umali ang pagpapatupad ng mga proyektong kailangan para sa ikauunlad ng bayan ng Peñaranda.- Ulat ni Janine Reyes