PAGGAMIT NG TAMA SA KABAN NG BAYAN, SUSI PARA SA MAUNLAD NA PAMAYANAN– MAYOR BELENA

Binigyang diin ng lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng San Jose, na malaki talaga ang magagawang pagbabago sa isang komunidad kung maayos lang na magagamit ang kaban ng bayan, sa naganap na ika walong “Ulat sa Bayan” Kwentang bayan, kwentong makabuluhan ni Mayor Marivic Belena.

Ayon kay Mayor Belena, taong 2012 bumaba ng 48 million ang IRA o Internal Revenue Allotment ng San Jose. Kasunod nito, taong 2013 ay nagkaroon ng PDAF Scam na naging dahilan ng pagkawala ng mga tulong galing sa ibang pulitiko.

Para matugunan ito, unang isinagawa ang mas komprehensibong tax mapping, sa tulong ng BPLO o Business Permit and License Office at CTO o City Treasurers Office. Kung saan, nakapagdagdag ng 635 na mga bagong negosyante ang lungsod.

Kasabay nito, ay inimplement din nila ang bagong revenue code na nagbigay ng 26% increase sa local income ng lungsod. Nalagpasan nito ng P6m ang target collection na P120m.

Ngayon 2015, binabalak ng Lokal na Pamahalaan na magdagdag ng 50 silid aralan, dagdag pasahod sa mga guro, pagbili ng 2 pang bagong ambulansya, pabahay para sa mga ulilang kabataan na nasa lansangan at mga kabataan na napabayaan ng mga magulang.

Mahigpit din ipinatutupad sa lungsod ang Anti Plastic, No Littering at No Smoking.

Bunga ng lahat ng ito ay ipinagmalaki ni Mayor Belena, ang karangalan na kanilang nakuha bilang pang 20 sa mga napansin ng National Competiveness Council sa Government Efficiency, out of 123 cities sa buong bansa. –Ulat ni Danira Gabriel